Deuteronomio 30:15
Tingnan ninyo, inilagay ko sa araw na ito sa inyong harapan ang buhay at kabutihan, kamatayan at kasamaan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
See, I have set before thee this day life and good, and death and evil;
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:1Kung makikinig kayo ng mabuti sa boses ni Yahweh na inyong Diyos para sundin ang lahat ng kaniyang mga kautusan na sinasabi ko ngayon sa inyo, Itataas kayo ni Yahweh na inyong Diyos mula sa lahat ng ibang mga bansa sa mundo.
Deuteronomy 30:19Tinatawag ko ang langit at ang lupa para maging saksi laban sa inyo sa araw na ito, itinalaga ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang mga pagpapala at mga sumpa, kaya piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mamuhay ng matagal.
Jeremiah 21:8At dapat mong sabihin sa mga taong ito, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan ninyo, inilalagay ko sa harapan ninyo ang daan ng buhay at ang daan ng kamatayan.
Mark 16:16Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas at ang hindi naniniwala ay hahatulan.
Galatians 3:13Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng kautusan noong siya ay naging sumpa para sa atin. Sapagkat nasusulat, “Sinumpa ang sinumang ibinitin sa isang puno.”
1 John 3:23At ito ang kanyang kautusan - na tayo ay dapat maniwala sa pangalan ng kanyang Anak na si Jesu-Cristo at mahalin ang bawat isa - gaya ng ibinigay niyang kautusan sa atin.