Deuteronomio 30:20
Gawin ito para mahalin si Yahweh na inyong Diyos, para sundin ang kaniyang salita, at para kumapit sa kaniya. Dahil siya ang inyong buhay at ang haba ng inyong mga araw, gawin ninyo ito para maaari kayong mamuhay sa lupain na ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na ibibigay sa kanila.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 1:8Masdan ito, inilagay ko ang lupain sa harapan ninyo; pumaroon at angkinin ang lupaing ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ama—kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob—para ibigay sa kanila at sa kanilang mga kaapu-apuhang susunod sa kanila.'
Deuteronomy 4:40Susundin ninyo ang kaniyang mga batas at ang kaniyang mga kautusan na aking iniutos sa araw na ito, para makabuti sa inyo at sa inyong mga anak kasunod ninyo, at nang mapahaba ninyo ang inyong mga araw sa lupain na ibibigay ni Yahweh magpakailanman.”
Deuteronomy 6:2para maparangalan ninyo si Yahweh na inyong Diyos, para sundin ang lahat ng kaniyang mga batas at mga utos na ipinapagawa ko sa inyo—kayo, inyong mga anak na lalaki, at anak na lalaki ng inyong mga anak, sa lahat ng mga araw ng inyong mga buhay, para ang inyong mga araw ay humaba.
Deuteronomy 10:12Ngayon, Israel, ano ang kailangan ni Yahweh na inyong Diyos, maliban sa matakot kay Yahweh na inyong Diyos, para lumakad sa lahat ng kaniyang kaparaanan, para ibigin siya, at para sambahin si Yahweh na inyong Diyos ng buong puso at buong kaluluwa,
Deuteronomy 11:9at mapapahaba ninyo ang mga araw ninyo sa lupaing pinangako ni Yahweh sa inyong mga ama na ibigay sa kanila at sa kanilang mga kaapu-apuhan, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot.
Deuteronomy 12:10Pero kapag tatawid na kayo sa Jordan at maninirahan sa lupain na idinulot ni Yahweh na inyong Diyos na inyong mamanahin, at kapag binibigyan niya kayo ng kapahingahan mula sa lahat ng inyong mga kaaway na nakapalibot, nang sa gayon manirahan kayo ng ligtas,