Deuteronomio 30:7
Ilalagay ni Yahweh na inyong Diyos itong mga sumpa sa inyong mga kaaway at sa mga galit, at sa sinumang nagpapahirap sa inyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 24:9Yuyuko siya katulad ng isang leon, katulad ng isang babaeng leon. Sino ang mangangahas na gambalain siya? Nawa, ang lahat na magpapala sa kaniya ay pagpalain; nawa, ang lahat na sumumpa sa kaniya ay sumpain.”
Deuteronomy 7:15Tatanggalin ni Yahweh ang lahat ng sakit; walang masasamang mga sakit na mula sa Ehipto ang mailalagay niya sa inyo, pero ilalagay niya ito sa kanila na galit sa inyo.
Isaiah 10:12Kapag natapos na ang ginagawa ng Diyos sa Bundok ng Sion at sa Jerusalem, siya ay magsasabi ng “paparusahan ko ang mga kayabangan na sinabi ng hari ng Asiria at kaniyang mapagmataas na hitsura.
Jeremiah 25:12At mangyayari ang mga ito kapag nabuo na ang pitumpung taon, na aking parurusahan ang hari ng Babilonia at ang bansang iyon, ang lupain ng mga Caldeo— Ito ang pahayag ni Yahweh—dahil sa kanilang mga kasalanan at gagawin ito ng walang katapusang pagkawasak.
Jeremiah 30:16Kaya ang lahat ng umubos sa iyo ay mauubos at ang lahat ng iyong mga kaaway ay mabibihag. Sapagkat sa mga nagnakaw sa iyo ay mananakawan at sasamsamin ang lahat ng sumamsam sa iyo.
Jeremiah 51:24Para sa inyong paningin, pagbabayarin ko ang Babilonia at lahat ng naninirahan sa Caldea dahil sa lahat ng masamang ginawa nila sa Zion— Ito ang pahayag ni Yahweh.”