Deuteronomio 31:11
kapag ang buong Israelita ay dumating para magpakita sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa lugar na kaniyang pipiliin para sa kaniyang santuwaryo, babasahin mo itong batas sa harapan ng buong Israel kanilang pandinig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 23:16Dapat ipagdiwang mo ang Pista ng Pag-aani, ang unang mga bunga ng iyong pinagtrabahuhan nang nagtanim ka ng buto sa iyong bukirin. At saka dapat mong ipagdiwang ang Pista ng Pagtitipon sa katapusan ng taon, kapag nalikom ninyo ang iyong inani mula sa bukirin.
Deuteronomy 12:5Pero sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos mula sa lahat ng inyong mga lipi para ilagay ang kaniyang pangalan, na magiging lugar kung saan siya titira, at doon kayo pupunta.
Deuteronomy 12:14pero ito ay sa lugar na pipiliin ni Yahweh na mula sa isa sa inyong mga lipi na ang inyong mga handog ay susunugin, at gagawin ninyo doon ang lahat ng bagay na sinabi ko sa inyo.
Joshua 8:34Pagkatapos, binasa ni Josue ang lahat ng mga salita sa batas, ang mga pagpapala at ang mga sumpa, gaya ng kanilang isinulat sa aklat ng batas.
2 Kings 23:2Pagkatapos pumunta ang hari sa tahanan ni Yahweh, at kasama niya ang lahat ng mga lalaki ng Juda at lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem, at ang mga pari, mga propeta, at lahat ng mga tao, mula sa hamak hanggang sa dakila. Pagkatapos binasa niya sa kanilang pandinig lahat ng mga salita ng aklat ng tipan na natagpuan sa tahanan ni Yahweh.
Nehemiah 8:13Sa ikalawang araw ang mga pinuno ng mga pamilya ng kanilang mga ninuno mula sa lahat ng tao, ang mga pari at mga Levita, ay nagpunta nang sama-sama kay Ezra, ang eskriba para makatanggap ng kaalaman mula sa mga salita ng batas.