Deuteronomio 31:19
Kaya ngayon isulat mo itong awitin para sa iyong sarili at ituro ito sa bayan ng Israel. Ilagay ito sa kanilang mga bibig, para ang awiting ito ay maging isang saksi para sa akin laban sa bayan ng Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 4:15Makikipag-usap ka sa kaniya at ilalagay mo sa kaniyang bibig ang mga salita na dapat sabihin. Ako ay mapapasa iyong bibig at sa kaniyang bibig, at ipapakita ko sa inyo kung ano ang gagawin.
Deuteronomy 6:7at matiyaga ninyong ituturo ang mga ito sa inyong mga anak; pag-uusapan ninyo ang mga ito kung kayo ay nakaupo sa inyong bahay, kapag naglalakad kayo sa daan, kapag kayo ay nakahiga, at kapag kayo ay babangon.
Deuteronomy 31:21Kapag maraming kasamaan at mga kaguluhan ang mayroon ang mga tao na ito, ang awiting ito ang magpapatunay bilang isang saksi; dahil ito ay hindi malilimutan mula sa mga bibig ng kanilang mga kaapu-apuhan; dahil alam ko ang mga plano na kanilang binubuo ngayon, kahit bago ko pa sila dinala dito sa lupain na aking ipinangako.”
Deuteronomy 31:30Umawit si Moises sa mga tainga ng mga pinagtipon sa Israel ang mga salita ng awiting ito hanggang sa matapos
Joshua 24:27Sinabi ni Josue sa lahat ng mga tao, “Tingnan mo, ang batong ito ay magiging isang patotoo laban sa amin. Narinig nito ang lahat ng mga salita na sinabi ni Yahweh sa amin. Kaya ito ay magiging isang saksi laban sa inyo, kung ninyo ipagkakaila ang inyong Diyos.”
Isaiah 51:16Nilagay ko ang aking mga salita sa inyong bibig, at tinakpan ko kayo ng anino ng aking kamay, para matanim ko ang kalangitan, mailatag ang mga pundasyon ng mundo, at sabihin sa Sion, 'Kayo ang aking bayan.'”