Deuteronomio 31:27
Dahil alam ko ang inyong mga paghihimagsik at inyong katigasan; tingnan ninyo, habang patuloy akong nabubuhay kasama ninyo kahit sa araw na ito, kayo ay naging mapanghimagsik laban kay Yahweh; paano pa pag ako ay patay na?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 32:8Mabilis silang umalis sa daan na aking inutos sa kanila. Nagmolde sila para sa kanilang sarili ng isang guya at sumamba dito at naghandog dito. Sinabi nila, 'Israel, “Ito ang inyong diyos na nagdala palabas sa lupain ng Egipto.”
Deuteronomy 9:6Kaya alamin ninyo, na hindi nagbigay si Yahweh na inyong Diyos sa inyo nitong masaganang lupain para angkinin dahil sa inyong pagkamatuwid, sapagkat kayo'y suwail na sangkatauhan.
Deuteronomy 9:24Naging suwail kayo laban kay Yahweh mula sa araw na nakilala ko kayo.
1 Samuel 12:15Kapag hindi ninyo sinunod ang boses ni Yahweh, subalit maghimagsik laban sa mga utos ni Yahweh, kung gayon ang kamay ni Yahweh ay magiging laban sa inyo, tulad ng ito ay laban sa inyong mga ninuno.
Nehemiah 9:29Binalaan mo sila para manumbalik sila sa iyong batas. Pero kumilos sila nang may pagmamataas at hindi nakinig sa iyong mga kautusan. Sila ay nagkasala laban sa iyong mga kautusan na nagbibigay ng buhay sa sinumang sumusunod dito. Hindi nila sinunod ang mga iyon, at hindi nila ito binigyan ng pansin, at tinanggihan nilang makinig sa mga iyon.
Psalms 78:17Pero pinagpatuloy pa rin nilang magkasala sa inyo, nagrerebelde laban sa Kataas-taasang Diyos sa ilang.