Deuteronomio 31:7
Tinawag ni Moises si Josue at sinabi sa kaniya sa harapan ng buong Israel, “Magpakatatag at magpakatapang, sapagkat sasamahan mo itong lahi papunta sa lupain na ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno para ibigay sa kanila; Ikaw ang magdudulot sa kanila para manahin ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 27:19Dalhin mo siya sa harapan ni Eleazar na pari at sa harap sa lahat ng sambayanan at utusan siya sa harap ng kanilang mga mata na pangunahan sila.
Deuteronomy 1:38si Josue na anak na lalaki ni Nun, na nakatayo sa harap mo bilang iyong lingkod, ay siyang makakapasok doon; palakasin ang kaniyang kalooban, sapagkat pamumunuan niya ang Israel at mamanahin ito.
Deuteronomy 31:3Si Yahweh na inyong Diyos, sasama siya sa inyo; wawasakin niya ang mga bansa mula sa inyong harapan, at babawiin ninyo ito. Si Josue, ang mangunguna sa inyong harapan, tulad ng sinabi ni Yahweh.
Deuteronomy 31:21Kapag maraming kasamaan at mga kaguluhan ang mayroon ang mga tao na ito, ang awiting ito ang magpapatunay bilang isang saksi; dahil ito ay hindi malilimutan mula sa mga bibig ng kanilang mga kaapu-apuhan; dahil alam ko ang mga plano na kanilang binubuo ngayon, kahit bago ko pa sila dinala dito sa lupain na aking ipinangako.”
Joshua 1:6Maging malakas at matapang. Idudulot mong manahin ng mga taong ito ang lupaing ipinangako ko sa kanilang mga ninunong ibibigay ko sa kanila.
1 Kings 2:2“Papunta na ako sa lupa. Kaya maging malakas ka at ipakita mong lalaki ka.