Deuteronomio 32:15
Pero lumaki si Jeshurun na mataba at sumisipa, puno ng taba, matipuno, at makinis. Tinalikuran nila ang Diyos na gumawa sa kanila, at itinanggi nila ang Bato ng kaniyang kaligtasan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 6:10Kapag dadalhin kayo ni Yahweh na inyong Diyos doon sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ama, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, ibibigay niya sa inyo, ang malawak at ang mga napakagandang lungsod na hindi ninyo itinayo,
Deuteronomy 31:16Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Masdan mo, matutulog ka kasama ang iyong mga ama; babangon itong mga lahi at kikilos katulad ng mga bayarang babae na sumusunod sa masamanag mga diyus-diyosan ng lupain, ang lupain na kanilang pupuntahan para maging kasamahan nila. Iiwanan nila ako at sisirain ang kasunduang ginawa ko kasama sila.
Deuteronomy 32:4Ang Batong tanggulan, ang kaniyang ganap na gawa; dahil ang lahat ng kaniyang landas ay husto. Siya ang matapat na Diyos na siyang walang kasamaan. Siya ay makatarungan at matuwid.
Deuteronomy 33:5Pagkatapos naging hari si Yahweh sa Jesurun, kapag ang mga pinuno ng mga tao ay nagtipun-tipon, nagkasama-sama ang lahat ng mga lipi ng Israel.
1 Samuel 2:29Sa gayon, bakit ninyo hinahamak ang aking mga alay at mga handog na aking kinakailangan sa lugar kung saan ako naninirahan? Bakit ninyo pinarangalan ang inyong mga anak na lalaki na higit sa akin sa pamamagitan ng pagpapataba ng inyong sarili ng mga mainam ng bawat handog ng aking bayang Israel?'
2 Chronicles 12:1Nangyari nang naging matatag na ang paghahari ni Rehoboam at malakas siya, tinalikuran niya ang mga kautusan ni Yahweh—kasama ang buong Israel.