Deuteronomio 32:43
Magdiwang, kayong mga bansa, kasama ng mga tao ng Diyos, dahil ipaghihiganti niya ang dugo ng kaniyang mga lingkod; Maghihiganti siya sa kaniyang mga kaaway, at gagawa siya ng kabayaran ng kasalanan para sa kaniyang lupain, para sa kaniyang mga tao.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 32:35Ako ang magbibigay ng paghihiganti, at kabayaran, sa panahon na madudulas ang kanilang paa; dahil ang araw ng kapahamakan para sa kanila ay nalalapit, at ang mga bagay na darating sa kanila ay mabilis na mangyayari.”
2 Kings 9:7Dapat mong patayin ang pamilya ni Ahab na iyong panginoon, kaya ipaghihiganti ko ang dugo ng aking mga lingkod na mga propeta, at ang dugo ng lahat ng mga lingkod ni Yahweh, na pinatay sa pamamagitan ng kamay ni Jezabel.
Psalms 22:27Ang lahat ng mga tao sa lupa ay aalalahanin at babalik kay Yahweh; lahat ng mga pamilya ng mga bansa ay luluhod sa iyong harapan.
Psalms 79:10Bakit kailangan sabihin ng mga bansa, “Nasaan ang kanilang Diyos?” Nawa ang dugo ng iyong mga lingkod na ibinuhos ay maipaghiganti sa mga bansang nasa harap ng aming mga mata.
Psalms 85:3Binawi mo ang lahat ng iyong poot; tumalikod ka mula sa iyong galit.
Isaiah 19:23Sa araw na iyon, magkakaroon ng malawak na daanan mula Ehipto hanggang Asiria, at pupunta ang mga taga-Asiria sa Ehipto, at ang mga taga-Ehipto sa Asiria; at sasamba ang mga taga-Ehipto kasama ng mga taga-Asiria.