Deuteronomio 33:19
Tatawagin nila ang mga tao sa mga bundok. Doon iaalay nila ang mga alay ng pagkamatuwid. Dahil sisipsipin nila ang kasaganahan ng mga karagatan, at mula sa buhangin ng dalampasigan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 15:17Dadalhin mo sila at itatanim sila sa bundok na iyong pinamana, ang lugar, Yahweh, na iyong ginawa para manirahan, ang santuwaryo, aming Panginoon, na itinayo ng iyong mga kamay.
Psalms 4:5Ihandog ang mga alay ng katuwiran at ilagay ang inyong tiwala kay Yahweh.
Psalms 50:13Kakainin ko ba ang laman ng mga toro o iinumin ang dugo ng mga kambing?
Psalms 51:19Kung magkagayon ay malulugod ka sa mga alay ng katuwiran, sa sinunog na mga handog at lubusang sinunog na mga handog; pagkatapos, ang aming bayan ay maghahandog ng mga toro sa iyong altar.
Isaiah 2:3Maraming tao ang pupunta at magsasabing, “Halika, umakyat tayo sa bundok ni Yahweh, sa tahanan ng Diyos ni Jacob para turuan niya tayo ng kaniyang mga pamamaraan at sa gayon lumakad tayo sa kaniyang landas.” Dahil sa Sion magmumula ang batas, at ang salita ni Yahweh mula sa Jerusalem.
Isaiah 60:16Iinumin din ninyo ang gatas ng mga bansa, at sususo sa dibdib ng mga hari; malalaman ninyo na Akong, si Yahweh, ako ang inyong Tagapagligtas at inyong Manunubos, ang Tanging Kalakasan ni Jacob.