Deuteronomio 33:9
Ang taong nagsasabi tungkol sa kaniyang ama at ina,” Hindi ko sila nakita.” Ni hindi niya kinilala ang kaniyang mga kapatid, ni hindi niya inangkin ang kaniyang sariling mga anak. Dahil binabantayan niya ang inyong salita at sinunod ang iyong tipan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 29:32Si Lea ay nagdalang-tao at nagsilang ng isang batang lalaki, at pinangalanan niyang Ruben. Sinabi niya, “Dahil nakita ni Yahweh ang aking paghihirap; tiyak ngayon na mamahalin na ako ng aking asawa.
Exodus 32:26Pagkatapos tumayo si Moises sa pasukan ng kampo at sinabi, “Sinuman ang nasa panig ni Yahweh, pumunta sa akin.” Lahat ng mga Levita ay nagtipon sa paligid niya,
Leviticus 10:6Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron at kay Eleazar at kay Itamar na kaniyang mga anak na lalaki, “Huwag ninyong hayaan ang buhok sa inyong mga ulo na nakalugay, at huwag punitin ang inyong mga damit, para hindi kayo mamatay at para hindi mapoot si Yahweh sa buong kapulungan. Pero hayaan ninyo ang inyong mga kamag-anak, ang buong bahay ng Israel ang magluksa para sa mga sinunog ng apoy ni Yahweh.
1 Chronicles 17:17At ito ay isang maliit na bagay sa iyong paningin, O Diyos. Ikaw ay nagsalita tungkol sa pamilya ng iyong lingkod tungkol sa panahon na darating, at ipinakita mo sa akin ang mga susunod na salinlahi, O Yahweh na Diyos.
Jeremiah 18:18Kaya sinabi ng mga tao, “Halikayo, gumawa tayo ng masamang balak laban kay Jeremias, sapagkat ang kautusan ay hindi mawawala sa mga pari, o payo sa mga taong marurunong, o mga salita sa mga propeta. Halikayo, atin siyang labanan ng ating mga pananalita at huwag nang magbigay pansin sa anumang bagay na kaniyang ipapahayag.”
Matthew 10:37Ang nagmamahal sa kaniyang ama at ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nagmamahal sa kaniyang anak na lalaki at babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.