Deuteronomio 34:9
Si Josue na anak ni Nun, ay puno ng espiritu ng kaalaman, dahil ipinatong ni Moises ang kaniyang kamay sa kaniya. Nakinig ang mga Israelita sa kaniya at ginawa kung ano ang iniutos ni Yahweh kay Moises.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
10Walang ibang tumayong propeta sa Israel tulad ni Moises, na siyang kilala ni Yahweh mukha sa mukha.
Cross References
Exodus 12:28Umalis ang mga Israelita at ganap na ginawa kung ano ang iniutos ni Yahweh kina Moises at Aaron.
Exodus 31:3Pinuno ko si Bezalel ng aking Espiritu, para bigyan siya ng karunungan, pang-unawa, at kaalaman, para sa lahat ng uri ng gawain,
Numbers 27:18Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kunin mo si Josue na anak na lalaki ni Nun, isang lalaking pinananahan ng aking Espiritu at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya.
Joshua 1:17Susundin ka namin tulad ng pagsunod namin kay Moises. Nawa'y samahan ka ni Yahweh, tulad ng pagsama niya kay Moises.
1 Kings 3:12Tingnan mo, ngayon gagawin ko ang lahat ng hiniling mo sa akin. Bibigyan kita ng may karunungan at maunawaing puso, sa gayon wala ng katulad mo na nauna sa iyo, at walang katulad mo ang mas hihigit na susunod sa iyo.
2 Kings 2:15Nang nakita ng mga anak ng mga propeta na mula sa Jerico na nakatawid siya, sinabi nila, “Napunta ang espiritu ni Elias kay Eliseo!” Kaya nagpunta sila para salubungin siya, at iniyuko ang kanilang mga sarili sa lupa sa kaniyang harapan.