Deuteronomio 4:25
Kapag kayo ay nagkaanak at ang mga anak ng inyong mga anak, at kapag kayo ay naroon na sa lupain sa mahabang panahon, at kung naging masama kayo at gumawa ng isang inukit na hugis sa anyo ng anumang bagay, at gumawa ng kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh na inyong Diyos, para galitin siya—
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
24Dahil si Yahweh na inyong Diyos ay isang apoy na lumalamon, isang selosong Diyos.
Cross References
Exodus 20:4Huwag dapat kayong gumawa para sa sarili ninyo ng isang inukit na larawan ni kahalintulad ng anumang bagay na nasa itaas ng langit, o sa lupa na nasa ilalim, o sa tubig na nasa ibaba.
Deuteronomy 4:16Mag-ingat na huwag pasamain ang inyong mga sarili at gumawa ng isang inukit na anyo na kahawig ng anumang nilalang, na anyo ng isang lalaki o isang babae,
Deuteronomy 27:15'Nawa'y isumpa ang taong gumagawa ng isang inukit o hinulmang anyo, isang bagay na nakasusuklam kay Yahweh, ang gawa ng mga kamay ng isang manggagawa lalaki, at siyang naglagay nito ng palihim.' At lahat ng mga tao ay dapat sumagot at magsabi ng, 'Amen.'
Deuteronomy 30:19Tinatawag ko ang langit at ang lupa para maging saksi laban sa inyo sa araw na ito, itinalaga ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang mga pagpapala at mga sumpa, kaya piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mamuhay ng matagal.
Deuteronomy 31:29Dahil alam ko na pag patay na ako lubusan ninyong sisirain ang inyong mga sarili at lumiko palayo sa daanan na aking iniutos sa inyo; kapahamakan ay darating sa inyo sa susunod na mga araw. Mangyayari ito dahil gagawa kayo ng masama sa mata ni Yahweh, para galitin siya sa pamamagitan ng mga gawa ng inyong mga kamay.”
Judges 2:11Ginawa ng bayan ng Israel ang masama sa paningin ni Yahweh at sila'y naglingkod sa mga Baal.