Deuteronomio 6:11
at mga bahay na puno sa lahat ng uri ng mabubuting mga bagay na hindi mo ginawa, mga balon na hindi ninyo hinukay, at mga ubasan at kahoy ng mga olibo na hindi ninyo itinanim, makakakain kayo at masisiyahan—
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 8:10Makakakain kayo at mabubusog, at pagpapalain ninyo si Yahweh na inyong Diyos dahil sa mabuting lupain na ibinigay niya sa inyo.
Deuteronomy 8:14na pagkatapos ang inyong puso ay maaaring magmataas, at maaari ninyong makalimutan si Yahweh na inyong Diyos, na nagpalabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, mula sa tahanan ng pagkakaalipin.
Deuteronomy 11:15Magbibigay ako ng damo sa inyong mga bukid para sa inyong mga baka, at kakain kayo at mabubusog.
Joshua 24:13Binigyan ko kayo ng lupain na hindi ninyo pinagtrabahuhan at mga lungsod na hindi ninyo itinayo, at ngayon kayo ay naninirahan sa mga ito. Kinakain ninyo ang mga bunga ng mga ubasan at mga halamanang olibo na hindi ninyo itinanim.'
Nehemiah 9:25Nasakop nila ang mga matatatag na lungsod at masaganang lupain, at nasakop nila ang mga bahay na puno ng lahat ng mabubuting bagay, ang mga balon ay nahukay na, ang mga ubasan at halamanan ng olibo, at punong prutas ay nananagana. Kaya sila ay kumain, nabusog, nasiyahan, at labis na natuwa sa kanilang mga sarili dahil sa iyong dakilang kabutihan.
Jeremiah 2:31Kayong mga nabibilang sa salinlahing ito! Bigyan ninyo ng pansin ang aking salita, ang salita ni Yahweh! Naging ilang ba ako sa Israel? O naging lupain ng matinding kadiliman? Bakit sinasabi ng aking mga tao, 'Maglibot tayo, hindi na kami pupunta sa iyo kailanman'?