Deuteronomio 6:12
pagkatapos mag-ingat para hindi ninyo malimutan si Yahweh, na siyang nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 13:14Sa darating na panahon, kapag nagtanong ang iyong anak na lalaki, “Ano ang ibig sabihin nito?' pagkatapos sabihin mo sa kaniya, 'Nakalabas tayo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng lakas ng kamay ni Yahweh, mula sa bahay ng pagkaalipin.
Deuteronomy 4:23Bigyan ninyo ng pansin ang inyong mga sarili, nang sa gayon hindi ninyo makalimutan ang tipan ni Yahweh na inyong Diyos, na ginawa niya sa inyo, at ang pagggawa ng diyus-diyosan sa anyo ng anumang bagay na ipinagbabawal ni Yahweh na inyong Diyos na inyong gawin.
Deuteronomy 32:18Pinabayaan ninyo ang Bato, na naging ama ninyo, at inyong kinalimutan ang Diyos na nagsilang sa inyo.
2 Kings 17:36Pero si Yahweh, na naglabas sa inyo mula sa lupain ng Egipto nang may dakilang kapangyarihan at isang nakataas na kamay, ay siyang ninyong pararangalan; sa kaniya kayo magpapatirapa, at mag-aalay.
Job 8:13Kaya gayon din ang mga landas ng lahat nang nakakalimot sa Diyos, ang pag-asa ng mga walang diyos ay maglalaho — na ang may pagtitiwala ay nagkakahiwa-hiwalay,
Psalms 78:7Pagkatapos, ilalagak nila ang kanilang pag-asa sa Diyos at hindi kalilimutan ang mga ginawa niya pero susundin ang kaniyang mga kautusan.