Deuteronomy 6:2
para maparangalan ninyo si Yahweh na inyong Diyos, para sundin ang lahat ng kaniyang mga batas at mga utos na ipinapagawa ko sa inyo—kayo, inyong mga anak na lalaki, at anak na lalaki ng inyong mga anak, sa lahat ng mga araw ng inyong mga buhay, para ang inyong mga araw ay humaba.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 22:12Sinabi niya, “Huwag mong pagbuhatan ng kamay, ni gumawa ng anuman para saktan siya, sapagkat ngayon alam kong may takot ka sa Diyos, nakikita kong hindi mo ipinagkait ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak na si Isaac sa akin.
Deuteronomy 4:10sa araw na kayo ay tumayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa Horeb, nang sinabi sa akin ni Yahweh, 'Tipunin mo ang mamamayan, at ipaparinig ko sa kanila ang aking mga salita, na maaaring nilang matutunang matakot sa akin sa lahat ng mga araw na sila ay nabubuhay sa mundo, at nang ito ay maaari nilang ituro sa kanilang mga anak.'
Deuteronomy 5:16Igalang ang inyong ama at inyong ina, ayon sa iniutos ni Yahweh na inyong Diyos na gawin ninyo, para mabuhay kayo ng mahabang panahon sa lupain na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos, at para maging maayos ito para sa inyo.
Deuteronomy 6:7at matiyaga ninyong ituturo ang mga ito sa inyong mga anak; pag-uusapan ninyo ang mga ito kung kayo ay nakaupo sa inyong bahay, kapag naglalakad kayo sa daan, kapag kayo ay nakahiga, at kapag kayo ay babangon.
Deuteronomy 10:12Ngayon, Israel, ano ang kailangan ni Yahweh na inyong Diyos, maliban sa matakot kay Yahweh na inyong Diyos, para lumakad sa lahat ng kaniyang kaparaanan, para ibigin siya, at para sambahin si Yahweh na inyong Diyos ng buong puso at buong kaluluwa,
Deuteronomy 13:4Maglalakad kayo kasunod ni Yahweh na inyong Diyos, parangalan siya, susundin ang kaniyang mga kautusan, at sumunod sa kaniyang boses, at sambahin ninyo siya at kumapit sa kaniya.