Deuteronomio 7:19
ang mga matinding paghihirap na nakita ng inyong mga mata, ang mga palatandaan, ang mga kababalaghan, ang kamay na makapangyarihan, at ang pagpapakita ng kapangyarihan sa pamamagitan ni Yahweh sa pamamagitan ng pagpapalabas sa inyo. Gagawin ulit ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng mga taong kinakatakutan ninyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 6:6Kaya, sabihin sa mga Israelita, 'Ako si Yahweh. Dadalhin ko kayo palabas mula sa pagkaalipin sa ilalim ng mga taga-Ehipto, at palalayain ko kayo mula sa kanilang kapangyarihan. Kayo ay aking ililigtas sa pagpapakita ng aking kapangyarihan, at makapangyarihang mga gawa ng paghatol.
Deuteronomy 4:34O ang Diyos ba ay tinangkang pumunta at kunin ang isang bansa mula sa kalagitnaan ng ibang bansa, sa pamamagitan ng mga pagsubok, sa pamamagitan ng mga tanda, at sa pamamagitan ng mga kababalaghan, at sa pamamagitan ng digmaan, at sa pamamagitan ng isang napakalakas na kamay, at sa pamamagitan ng sa isang pagpapakita ng dakilang kapangyarihan, at sa pamamagitan ng matinding mga pananakot, gaya ng lahat ng ginawa ni Yahweh na inyong Diyos para sa inyo sa Ehipto sa harapan ng inyong mga mata?
Deuteronomy 29:3ang matinding paghihirap na nakita ng inyong mga mata, ang mga pangitain, at yaong mga dakilang kababalaghan.
Joshua 10:25Pagkatapos sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong matakot at huwag kayong mabagabag. Maging malakas at matapang. Ito ang gagawin ni Yahweh sa lahat ng inyong mga kaaway na kakalabanin ninyo.”
Nehemiah 9:10Nagbigay ka ng mga tanda at kababalaghan laban sa Paraon, at sa lahat ng kaniyang mga alipin, at sa lahat ng mga tao sa kaniyang lupain, dahil alam mo na ang mga taga-Ehipto ay kumilos nang may pagmamataas laban sa kanila. Pero gumawa ka ng pangalan para sa iyong sarili na nananatili hanggang sa araw na ito.
Psalms 77:12Pagninilay-nilayan ko ang lahat ng mga ginawa mo at pagmumuni-munihin ko ang mga iyon.