Deuteronomio 7:24
Ilalagay niya ang kanilang mga hari sa ilalim ng inyong kapangyarihan, at buburahin ang kanilang pangalan mula sa ilalim ng langit. Walang sinuman ang maaaring tumayo sa harapan ninyo, hanggang sa mawasak ninyo sila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 17:14Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Isulat mo ito sa isang libro at basahin mo na naririnig ni Josue dahil ganap kong tatanggalin ang alaala ng Amalek mula sa ilalim ng kalangitan.”
Deuteronomy 11:25Walang sinumang tao ang makakatayo sa harapan ninyo; maglalagay si Yahweh na inyong Diyos ng takot at ng kilabot sa lahat ng mga lupaing lalakaran ninyo, tulad ng sinabi niya sa inyo.
Deuteronomy 29:20Hindi siya papatawarin ni Yahweh, pero sa halip, ang galit ni Yahweh at kanyang pagseselos ay mag-iinit laban sa taong iyon, at ang lahat ng mga sumpa na nakasulat sa aklat na ito ay mapapasakanya, at tatanggalin ni Yahweh ang kanyang pangalan mula sa ilalim ng langit.
Joshua 10:8Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Huwag kang matakot sa kanila. Ibinigay ko sila sa inyong mga kamay. Wala isa sa kanila na makakapigil sa inyong pagsalakay.”
Joshua 10:42Nasakop ni Josue ang lahat ng mga haring ito at ang kanilang lupain sa isang iglap dahil si Yahweh, ang Diyos ng Israel, nakipaglaban para sa Israel.
Joshua 12:1Ngayon ito ang mga hari ng lupain, na siyang lumupig ng kalalakihan ng Israel. Inangkin ng mga Israelita ang lupa sa silangang bahagi ng Jordan kung saan sumisikat ang araw, mula sa lambak ng Ilog Arnon patungo sa Bundok Hermon, at lahat ng Araba sa silangan.