Deuteronomio 7:9
Kaya kilalanin si Yahweh na inyong Diyos— siya ay Diyos, ang tapat na Diyos, na nagpapanatili ng mga tipan at katapatan sa isang libong salinlahi sa mga nagmamahal sa kaniya at nagpapanatili ng kaniyang mga utos,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 17:7Magtatatag ako ng tipan sa pagitan natin at sa iyong mga magiging kaapu-apuhan, hanggang sa kanilang buong salinlahi, para sa isang walang hanggang tipan, na ako ang magiging Diyos mo at ng mga susunod mong mga kaapu-apuhan.
Exodus 34:6Dumaan si Yahweh sa kaniya at inihayag, “Yahweh, Yahweh, ang Diyos ay maawain at mapagbigay-loob, hindi madaling magalit, at nag-uumapaw sa katapatan ng tipan at mapagkakatiwalaan,
Deuteronomy 4:39Kaya alamin sa araw na ito, at ilagay ito sa inyong puso, na si Yahweh ay Diyos sa ibabaw ng langit at sa ilalim ng lupa; walang iba pa.
Deuteronomy 32:39Tingnan ninyo ngayon ako, kahit ako, ang Diyos, at walang nang diyos maliban sa akin; ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; ako'y sumusugat, at ako'y nagpapagaling, at walang ni isa na makakapagligtas sa inyo mula sa aking lakas.
1 Kings 8:23Kaniyang sinabi, “Yahweh, na Diyos ng Israel, walang diyos ang gaya mo sa itaas ng kalangitaan o sa kailaliman ng mundo, na tumupad ng kaniyang katapatan sa tipan sa iyong mga lingkod na naglalakad kasama mo ng kanilang buong puso;
Nehemiah 1:5Sinabi ko, “Yahweh, ikaw ang Diyos ng langit, ang Diyos na dakila at kahanga-hanga, na tumutupad sa kaniyang tipan at kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya at tumutupad sa kaniyang mga kautusan.