Deuteronomio 8:19
Ito ay mangyayari na, kung inyong kalilimutan si Yahweh na inyong Diyos at sumunod sa ibang mga diyos, sambahin sila, at gagalangin sila, patutunayan ko laban sa inyo ngayon na kayo'y tunay na mapupuksa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 11:16Bigyang pansin ang inyong mga sarili, para hindi malinlang ang inyong puso, at kayo'y lumihis at sumamba sa ibang mga diyus-diyosan, at yumukod sa kanila;
Deuteronomy 29:25Pagkatapos sasabihin ng mga tao, 'Ito ay dahil pinabayaan nila ang tipan ni Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, na ginawa niya sa kanila noong sila ay inilabas niya mula sa lupain ng Ehipto,
Joshua 23:13pagkatapos tiyak na malalaman na hindi na palalayasin ni Yahweh na inyong Diyos ang mga bansang ito mula sa inyo. Sa halip, magiging isang patibong sila at isang bitag para sa inyo, pamalo sa inyong likuran at mga tinik sa inyong mga mata, hanggang sa mamatay kayo mula sa mabungang lupaing ito na binigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo.
Daniel 9:2Ngayon sa unang taon ng paghahari ni Dario, ako si Daniel, ay pinag-aaralan ko ang mga aklat na naglalaman ng salita ni Yahweh, ang salitang dumating kay Jeremias na propeta. Napag-aralan kong may pitumpung taon hanggang sa matapos ang pagpapabaya sa Jerusalem.
Zephaniah 1:18Hindi sila maililigtas maging ng kanilang mga pilak o ginto sa araw ng matinding galit ni Yahweh! Tutupukin ng apoy ng matinding poot ni Yahweh ang buong lupain sapagkat nakasisindak ang paglipol na kaniyang idudulot laban sa lahat ng naninirahan sa lupain!”
Luke 12:47Ang lingkod na iyon, na alam ang kalooban ng kaniyang panginoon at hindi naging handa o ginawa ang ayon sa kaniyang kalooban, ay mabubugbog nang madami.