Deuteronomio 8:9
Ito ay isang lupain kung saan makakakain kayo ng tinapay nang hindi nagkukulang, at kung saan walang magkukulang sa inyo; isang lupain na ang mga bato ay gawa sa bakal, at mula sa kaniyang mga burol maaari kayong makahukay ng tanso.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 22:8at sinabi sa kanila, “Bumalik sa inyong mga tolda na may maraming salapi, at may napakaraming alagang hayop, at ng pilak at ginto, at ng tanso at bakal, at ng napakaraming mga kasuotan. Hatiin ninyo ang mga ninakaw mula sa inyong mga kaaway kasama ng inyong mga kapatid na lalaki.”
1 Chronicles 22:3Nagbigay si David ng maraming bakal para sa mga pako sa mga pintuan patungo sa mga daanan at para sa mga bisagra. Nagbigay rin siya ng maraming tanso na hindi kayang timbangin,
Job 28:2Hinuhukay ang bakal mula sa lupa; tinutunaw ang tanso mula sa bato.