Deuteronomio 9:10
Ibinigay ni Yahweh sa akin ang dalawang tipak na batong sinulatan gamit ang kaniyang daliri; nasusulat sa mga ito ang lahat ng bagay gaya ng lahat ng mga salitang ipinahayag ni Yahweh sa inyo sa bundok mula sa gitna ng apoy noong araw ng pagtitipon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 20:1Sinabi ng Diyos ang mga salitang ito:
Deuteronomy 4:10sa araw na kayo ay tumayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa Horeb, nang sinabi sa akin ni Yahweh, 'Tipunin mo ang mamamayan, at ipaparinig ko sa kanila ang aking mga salita, na maaaring nilang matutunang matakot sa akin sa lahat ng mga araw na sila ay nabubuhay sa mundo, at nang ito ay maaari nilang ituro sa kanilang mga anak.'
Deuteronomy 4:13Ipinahayag niya sa inyo ang kaniyang tipan na kaniyang iniutos sa inyo na inyong gampanan, ang Sampung Utos. Sinulat niya ang mga ito sa dalawang tipak na bato.
Deuteronomy 5:6'Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang siyang nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkakaalipin.
Deuteronomy 18:16Ito ang inyong hiningi mula kay Yahweh na inyong Diyos sa Horeb ng araw ng pagpupulong, sa pagsasabing, 'Huwag nating hayaang marinig muli ang boses ni Yahweh na ating Diyos, ni makita pa man ang malaking apoy na ito, o tayo ay mamamatay.'
Luke 11:20Ngunit kung ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng daliri ng Diyos, kung gayon ang kaharian ng Diyos ay dumating sa inyo.