Deuteronomio 9:26
Nagdasal ako kay Yahweh at sinabing, 'O Panginoong Yahweh, huwag mong wasakin ang iyong mga tao o ang iyong pamana na iyong iniligtas sa pamamagitan ng iyong kadakilaan, na dinala mo palabas ng Ehipto gamit ang isang makapangyarihang kamay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
25Kaya nagpatirapa ako sa harapan ni Yahweh ng apatnapung wawasakin niya kayo.
Cross References
Exodus 15:13Sa iyong katapatan sa tipan pinangunahan mo ang mga tao na iyong sinagip. Sa iyong kalakasan sila ay iyong pinangunahan patungo sa banal na lugar kung saan ka naninirahan.
Exodus 34:9“Pagkatapos sinabi niya, “Kung ako ngayon ay nakatagpo ng pabor sa inyong paningin, Panginoon ko, pakiusap sumama kayo sa amin, dahil ang mga taong ito ay matigas ang ulo. Ipagpaumanhin ang aming kalapastanganan at ang aming kasalanan, at dalhin mo kami bilang iyong pamana.
Deuteronomy 7:8pero dahil minamahal niya kayo at ninais niya na manatili ang pangako niya sa inyong mga ama. Ito ang dahilan kung bakit si Yahweh ay inilabas kayo sa isang makapangyarihang kamay at itinubos kayo palabas sa bahay ng pagkakaalipin, mula sa kamay ng Paraon, hari ng Ehipto.
Deuteronomy 9:29Gayun pa man sila ay iyong mga tao at iyong pamana, na dinala mo palabas sa pamamagitan ng iyong dakilang lakas at sa pamamagitan ng pagpapakita ng iyong kapangyarihan.'
Deuteronomy 15:15Dapat ninyong alalahanin na kayo ay mga alipin sa lupain ng Ehipto, at si Yahweh na inyong Diyos ang tumubos sa inyo; kaya sinasabi ko sa inyo ngayon na gawin ito.
Deuteronomy 26:7Humingi kami ng tulong kay Yahweh, ang Diyos ng aming mga ama, at narinig niya ang aming boses at nakita ang aming paghihirap, ang aming trabaho, at ang aming pagtitiis sa hirap.