Ang Mangangaral 1:17
Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan din. Naintindihan ko rin na ito ay isang pagtangkang habulin ang hangin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 73:16Kahit na sinubukan kong unawain ang mga bagay na ito, napakahirap nito para sa akin.
Ecclesiastes 2:3Sinaliksik ko sa aking puso kung paano ko mapagbibigyan ang aking mga pagnanasa sa pag-inom ng alak. Hinayaan kong gabayan ako ng karunungan kahit na pinanghahawakan ko pa rin ang kahangalan. Nais kong malaman kung ano ang makabubuti para sa tao na gawin sa ilalim ng kalangitan sa mga araw ng kanilang mga buhay.
Ecclesiastes 2:11Pagkatapos minasdan ko ang lahat ng mga gawain na tinapos gawin ng aking mga kamay, at sa pinagsikapang gawin, ngunit muli, ang lahat ng bagay ay parang singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin. Wala itong pakinabang sa ilalim ng araw.
Ecclesiastes 3:19Dahil parehong kapalaran ang nagaganap sa mga tao na nagaganap sa mga hayop. Katulad ng mga hayop, ang mga tao ay lahat namamatay. Lahat sila ay dapat ihinga ang parehong hangin, upang sa gayong paraan ang mga tao ay walang kalamangan sa mga hayop. Hindi ba ang lahat ng bagay ay isang mabilis na paghinga lamang.
Ecclesiastes 6:9Mabuti pang masiyahan sa nakikita ng mga mata kaysa sa paghahangad ng isang lumalawak na pananabik sa pagkain, na para ring singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin.
Ecclesiastes 7:25Ibinaling ko ang aking puso sa pag-aaral at pagsusuri at pagsaliksik sa karunungan at ang mga paliwanag ng katotohanan, at maunawaan na ang kasamaan ay kahangalan at ang kamangmangan ay kabaliwan.