Ang Mangangaral 10:19
Naghahanda ang mga tao ng pagkain para sa pagtawa, nagbibigay ng kasiyahan sa buhay ang alak, at pinupuno ng pera ang pangangailangan sa lahat ng bagay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
A feast is made for laughter, and wine maketh merry: but money answereth all things.
In Context
18Dahil sa katamaran nalalaglag ang bubong, at dahil sa mga tamad na kamay may tagas ang bahay.
Read all of Ang Mangangaral 10
Cross References
Genesis 43:34Nagpadala si Jose ng mga parte sa kanila mula sa pagkain na nasa harapan niya. Pero ang parte ng kay Benjamin ay limang beses ang dami kaysa sa kanyang mga kapatid. Sila'y nag inuman at nagpakasaya na kasama niya.
Judges 14:10Bumaba ang ama ni Samson sa lugar kung saan nakatira ang babae, at nagbigay si Samson ng isang kapistahan doon, dahil kaugalian ito ng mga binatang kalalakihan.
2 Samuel 13:28Inutusan ni Absalom ang kaniyang mga lingkod na nagsasabing, “Makinig nang mabuti. Kapag nagsimula ng malasing si Amnon sa alak at kapag sinabi ko sa inyo na, 'Salakayin si Amnon,' patayin siya. Huwag matakot. Hindi ba't inutusan ko kayo? Maging magiting at matapang.”
1 Chronicles 29:2Kaya ginawa ko ang lahat ng aking makakaya na magbigay para sa templo ng aking Diyos. Ibibigay ko ang ginto para sa mga bagay na gagawin sa ginto, pilak para sa mga bagay na gagawin sa pilak, tanso para sa mga bagay na gagawin sa tanso, bakal para sa mga bagay na gagawin sa bakal, at kahoy para sa mga bagay na gagawin sa kahoy, Ibinibigay ko rin ang batong onix, mga batong dapat ilagay, mga bato para ilagay sa disenyo na may iba't ibang kulay— ang lahat ng uri ng mga mamahaling bato— at maraming mga batong marmol.
Ezra 1:6Ang mga nakapalibot sa kanila ay tumulong sa kanilang gawain sa pilak at gintong mga kagamitan, mga ari-arian, mga hayop, mga mahahalagang bagay, at mga kusang-kaloob na mga handog.
Nehemiah 5:8at sinabi sa kanila, “Tayo, hangga't makakaya natin, ay muling binili mula sa pagkaalipin ang ating mga kapatid na Judio na naipagbili sa mga bansa, pero kayo ipinagbibili pa ninyo ang inyong mga kapatid na lalaki at babae para muling maipagbili sa amin!” Tahimik sila at ni minsan ay walang masabi ni isang salita.