Ang Mangangaral 12:5
Iyon ang panahon na matatakot ang mga lalaki sa mga matataas na lugar at sa mga kapahamakan sa lansangan, kapag sumagana ang puno ng pili, at kapag hinahatak ng mga tipaklong ang mga sarili nila, at kapag naglaho ang mga likas na pagnanasa. Pagkatapos, pupunta ang tao sa kaniyang walang hanggang tahanan at ang mga nagdadalamhati ay tutungo sa mga lansangan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Read all of Ang Mangangaral 12
Cross References
Genesis 44:29At kung kukunin rin ninyo itong isa sa akin at muling mapahamak, dadalhin ninyo ako sa katandaan na puno ng dalamhati sa kamatayan.'
Genesis 50:3Ginawa nila ito ng apatnapung araw, dahil iyon ang ganap na panahon ng pag-eembalsamo. Umiyak ang mga taga-Ehipto ng pitumpung araw.
Job 15:10Kasama namin ang kapwa puti ang buhok at napakatandang tao na mas matanda pa kaysa sa iyong ama.
Job 30:23Dahil alam kong dadalhin mo ako sa kamatayan, sa bahay na nakatadhana para sa lahat ng mga buhay na bagay.
Psalms 71:18Tunay nga, kahit na matanda na ako at maputi na ang buhok, O Diyos, huwag mo akong pabayaan, dahil ihinahayag ko ang iyong kalakasan sa susunod na salinlahi, at iyong kapangyarihan para sa lahat ng darating.
Proverbs 20:29Ang dangal ng mga kabataang lalaki ay ang kanilang kalakasan, at ang karangyaan ng matatanda ay ang kanilang mga uban.