Ang Mangangaral 3:8
panahon ng pag-ibig at panahon ng pagkamuhi, panahon ng digmaan at panahon ng kapayapaan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
A time to love, and a time to hate; a time of war, and a time of peace.
In Context
9Anong pakinabang ang makukuha ng manggagawa sa kaniyang gawain?
Cross References
Genesis 14:14Ngayon nang marinig ni Abram na nabihag ng mga kaaway ang kaniyang kamag-anak, pinangunahan niya ang kaniyang tatlong daan at labing walong sinanay na tauhan, na ipinanganak sa kaniyang sambahayan, at tinugis niya sila hanggang sa Dan.
Joshua 11:23Kaya binihag ni Josue ang buong lupain, gaya ng sinabi ni Yahweh kay Moises. Ibinigay ni Josue ito bilang isang pamana ng Israel, itinalaga sa bawat lipi nila. Pagkatapos nagkaroon ng pahinga ang lupain mula sa mga digmaan.
1 Kings 5:4Pero ngayon, si Yahweh na aking Diyos ay nagbigay sa akin ng kapahingan sa lahat ng dako. Walang sinumang kalaban ni anumang sakuna.
2 Chronicles 19:2Lumabas si propetang Jehu na anak ni Hanani upang salubungin siya at sinabi kay Haring Jehoshafat, “Dapat mo bang tulungan ang masama? Dapat mo bang mahalin ang mga namumuhi kay Yahweh? Dahil sa ginawa mong ito, nasa iyo ang galit mula kay Yahweh.
Psalms 105:25Siya ang nagdulot sa kanilang mga kaaway na kapootan ang kaniyang bayan, para abusuhin ang kaniyang mga lingkod.
Ezekiel 16:8Nadaanan kitang muli, at nakita kita at tingnan mo! Dumating na sa iyo ang oras ng pag-ibig kaya sinuotan kita ng balabal at tinakpan ang iyong kahubaran. Pagkatapos, nangako ako sa iyo at dinala kita sa isang kasunduan—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—at ikaw ay naging akin.