Ang Mangangaral 4:1
Minsan inisip ko ang tungkol sa lahat nang pag-uusig na ginagawa sa ilalim ng araw. Pagmasdan ang mga luha ng mga taong inusig. Wala silang taga-aliw. Ang kapangyarihan ay nasa kamay ng kanilang mang-uusig, ngunit walang taga-aliw ang mga taong inuusig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 1:16Sinabi niya, “Kung tutulong kayo sa mga Hebreong babae sa paanakan, pagmasdan ninyo kapag sila ay manganganak. Kapag ang sanggol ay lalaki, patayin ninyo; pero kung ito ay babae, siya ay mabubuhay.”
Exodus 2:23Lumipas ang isang mahabang panahon, ang hari ng Ehipto ay namatay. Ang mga Israelita ay dumaing dahil sa kanilang pagkaalipin. Sila ay humingi ng tulong, at ang kanilang daing ay nakarating sa Diyos dahil sa kanilang pagkaalipin.
Exodus 5:18Kaya ngayon bumalik na kayo sa trabaho. Wala nang dayami ang ibibigay sa inyo, pero gagawa pa rin kayo ng parehong bilang ng mga laryo.”
Deuteronomy 28:48kaya magsisilbi kayo sa mga kalaban na ipinadala ni Yahweh laban sa inyo; pagsisislbihan ninyo sila sa gutom, sa uhaw, sa pagkahubad, at sa kahirapan. Maglalagay siya ng pamatok na bakal sa inyong mga leeg hanggang sa mawasak niya kayo.
Judges 10:7Si Yahweh ay nag-alab sa galit tungo sa Israel at ibinigay sila sa mga Filisteo at sa mga Amonita, para sila ay sakupin.
Job 6:29Pigilan ninyo ang inyong sarili, parang awa ninyo na; maging makatarungan kayo, maghunos-dili kayo dahil nasa tamang panig ako.