Ang Mangangaral 5:1
Ingatan ang inyong pag-uugali kapag kayo ay nasa tahanan ng Diyos. Magtungo doon para makinig. Mas mabuti ang pakikinig kaysa mga handog ng mga mangmang habang hindi nalalaman na ang kanilang ginagawa sa buhay ay masama.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 4:3At nangyari na sa paglipas ng panahon dinala ni Cain ang ilan sa bunga ng lupa bilang handog kay Yahweh.
Exodus 3:5Sinabi ng Diyos, “Huwag kang lumapit! Hubarin mo ang sapatos sa iyong mga paa, dahil ang lugar na kinatatayuan mo ay lupang inilaan sa akin.”
Joshua 5:15Sinabi ng pinununo ng hukbo ni Yahweh kay Josue, “Hubarin mo ang iyong sandalyas mula sa iyong mga paa, dahil banal ang lugar na iyong kinatatayuan.” At ginawa iyon ni Josue.
1 Samuel 15:21Subalit kumuha ang mga tao ng ilan sa nadambong—mga tupa at mga lalaking baka, ang pinakamabuti sa mga bagay na itinalaga sa pagkawasak, upang ialay kay Yahweh na inyong Diyos sa Gilgal.”
Job 11:2Hindi ba dapat sagutin ang ganyang napakaraming salita? Nararapat ba sa taong ito, na puno ng mga salita, na paniwalaan?
Psalms 50:8Hindi ko kayo susumbatan dahil sa inyong mga alay; ang sinunog ninyong mga handog ay laging nasa aking harapan.