Ang Mangangaral 5:8
Kapag nakikita mong inaapi ang mahihirap at pinagnanakawan ng katarungan at wastong pagtrato sa iyong lalawigan, huwag magtaka na para bang walang nakaka-alam, dahil mayroong mga taong nasa kapangyarihan na nangangalaga sa kanilang nasasakupan at mayroon pang mas mataas sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Chronicles 21:15Nagpadala ang Diyos ng isang anghel sa Jerusalem upang sirain ito. Nang sisirain na niya ito, nanood si Yahweh at nagbago ang kaniyang isip tungkol sa paninira. Sinabi niya sa naninirang anghel, “Tama na! Ngayon iurong mo ang iyong kamay.” Sa oras na iyon, nakatayo ang anghel ni Yahweh sa giikan ni Ornan na Jebuseo.
Job 20:19Dahil inapi niya at pinabayaan ang mga dukha; sapilitan niyang inagaw ang mga bahay na hindi niya itinayo.
Job 27:8Para saan ang pag-asa ng isang taong walang diyos kapag kinitil siya ng Diyos, kapag kinuha ng Diyos ang kaniyang buhay?
Psalms 12:5“Dahil sa karahasan laban sa mahirap, dahil sa mga daing ng nangangailangan, ako ay babangon,” sinasabi ni Yahweh. “Magbibigay ako ng kaligtasan na kanilang hinahangad.”
Psalms 58:10Ang matuwid ay magagalak kapag nakita niya ang paghihiganti ng Diyos; huhugasan niya ang kaniyang mga paa sa dugo ng mga masasama,
Psalms 83:18At malalaman nila na ikaw lamang, Yahweh, ang Kataas-taasan sa buong mundo.