Ang Mangangaral 7:9
Huwag madaling magalit sa iyong diwa, dahil naninirahan ang galit sa puso ng mga mangmang.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Be not hasty in thy spirit to be angry: for anger resteth in the bosom of fools.
In Context
Cross References
Genesis 4:5pero hindi niya tinanggap si Cain at ang kanyang handog. Kaya lubhang nagalit si Cain, at sumimangot siya.
Genesis 34:7Dumating ang mga anak na lalaki ni Jacob na galing sa bukid nang marinig nila ang nangyari. Nasaktan ang mga lalaki. Labis silang nagalit dahil pinahiya nila ang Israel sa pagpupumilit sa kanyang sarili sa anak na babae ni Jacob, dahil ang bagay na iyon ay hindi dapat ginawa.
Genesis 34:30Sinabi ni Jacob kay Simeon at Levi, “Nagdala kayo ng gulo sa akin upang bumaho ako sa mga naninirahan sa lupain, sa mga Cananeo at mga Perezeo. Kakaunti na lamang ang aking bilang. Kung iipunin nila ang kanilang mga sarili laban sa akin at lulusubin ako, malilipol ako, ako at ang aking sambahayan.
2 Samuel 13:22Walang anumang sinabi si Absalom kay Amnon, dahil kinapootan siya ni Absalom dahil sa kaniyang ginawa at kung papaano niya pinahiya ang kaniyang kapatid na babaeng si Tamar.
2 Samuel 13:32Sumagot at sinabi ni Jehonadab anak na lalaki ni Simea, kapatid na lalaki ni David, “Huwag hayaan maniwala ang aking amo na pinatay nila ang lahat ng binatang anak ng hari, dahil si Amnon lamang ang namatay. Binalak ito ni Absalom mula sa araw na nilapastangan ni Amnon ang kaniyang kapatid na babaeng si Tamar.
Esther 3:5Nang makita ni Haman na si Mordecai ay hindi lumuhod at yumuko sa kanya, napuno si Haman ng matinding galit.