Ang Mangangaral 8:14
May isa pang walang silbing usok - isang bagay pa na naganap sa ibabaw ng mundo. Ang mga bagay na nangyayari sa taong matuwid ay nangyayari din sa taong masama, at ang mga bagay na nangyayari sa taong masama ay nangyayari din sa taong matuwid. Sinasabi ko na ito rin ay walang silbing parang singaw.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 1:22Sa lahat ng mga pangyayaring ito, hindi nagkasala si Job at hindi siya naging hangal para akusahan ang Diyos.
Job 21:7Bakit patuloy pang nabubuhay ang masasamang tao, tumatanda, at umaangat ang antas sa buhay?
Job 24:21Nilalamon ng masama ang mga baog na babae na kailanman ay hindi nanganak; wala siyang ginagawang mabuti sa balo.
Psalms 73:3dahil nainggit ako sa arogante nang makita ko ang kasaganaan ng masasama.
Ecclesiastes 2:14Ang matalinong tao ay ginagamit ang kaniyang mga mata sa kaniyang ulo para makita ang kaniyang patutunguhan, pero ang mangmang ay naglalakad sa kadiliman, kahit na alam kong iisang kapalaran ang nakalaan sa lahat.
Ecclesiastes 4:8Mayroong isang uri ng tao na nag-iisa. Wala siyang kahit na sino, walang anak o kapatid. Walang katapusan ang lahat ng kaniyang gawain, at ang kaniyang mga mata ay hindi nasisiyahan sa pagdami ng kayamanan. Nagtataka siya, “Para kanino ang aking pagbubungkal at inaalis sa sarili ko ang kasiyahan? Ito rin ay usok, isang masamang kalagayan.