Ang Mangangaral 9:10
Anuman ang gawin ng mga kamay mo, gawin mo ito gamit ang iyong lakas, dahil walang gawain o paliwanag o kaalaman o karunungan sa libingan, ang lugar kung saan ka pupunta.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 10:7Ngayon, kapag dumating sa iyo ang mga palatandaang ito, gawin mo anumang masumpungang gawin ng iyong kamay, sapagkat kasama mo ang Diyos.
1 Chronicles 28:20Sinabi ni David kay Solomon na kaniyang anak, “Magpakatatag ka at maging matapang. Gawin mo ang gawain. Huwag kang matakot o mabalisa, sapagkat si Yahweh na Diyos na aking Diyos ay kasama mo. Hindi ka niya iiwan o pababayaan hanggang sa matapos ang lahat ng gawain para sa paglilingkod sa templo ni Yahweh.
2 Chronicles 31:20Ginawa ni Ezequias ang mga ito sa buong Juda. Ginawa niya kung ano ang mabuti, tama, at tapat sa harapan ni Yahweh na kaniyang Diyos.
Nehemiah 2:12Bumangon ako ng gabi, ako at ilan sa mga kalalakihang kasama ko. Hindi ko sinabi kahit kanino kung ano ang inilagay ng aking Diyos sa aking puso na gagawin para sa Jerusalem. Wala akong ibang hayop na kasama, maliban sa isa na aking sinasakyan.
Nehemiah 4:6Kaya itinayo namin ang pader at lahat ng pader ay naitayo hanggang sa kalahating taas nito, dahil ang mga tao ay may pagnanais na magtrabaho.
Nehemiah 4:17Kaya ang parehong mga manggagawa na nagtatayo ng pader at nagdadala ng mga pasanin ay nagbabantay din ng kanilang mga kinalalagyan. Ang bawat isa ay nagtatrabaho sa pamamagitan ng isang kamay, at sa kabilang kamay naman ay hawak ang kaniyang sandata.