Ang Mangangaral 9:12
Dahil walang nakakaalam ng oras ng kaniyang pagkamatay, tulad ng isda na nahuli sa lambat ng kamatayan, o katulad ng mga ibon na nahuli sa patibong. Katulad ng mga hayop, ang mga tao ay nakakulong sa masasamang panahon na biglang dumarating sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
13Nakita ko rin ang karunungan sa ilalim ng araw sa paraan na kahanga-hanga para sa akin.
Cross References
Psalms 11:6Nagpapaulan siya ng mga nagbabagang uling at asupre sa mga masasama; nakakapasong hangin ang kanilang magiging bahagi sa kaniyang kopa!
Psalms 73:19Paano sila naging disyerto sa isang iglap! Sumapit sila sa kanilang wakas at natapos sa kahindik-hindik na takot.
Proverbs 7:22Sumunod siya sa kaniya na tulad ng isang bakang lalaki na papunta sa katayan, o tulad ng isang usa na nahuli sa isang patibong
Proverbs 29:6Ang isang masamang tao ay nahuli sa isang patibong sa pamamagitan ng kaniyang sariling kasalanan, pero ang isang gumagawa ng tama ay umaawit at nagsasaya.
Ecclesiastes 8:8Walang may kapangyarihang pigilan ang paghinga ng hangin ng buhay, at walang may kapangyarihan sa araw ng kaniyang kamatayan. Walang tinitiwalag sa hanay ng hukbo habang nasa isang digmaan, at ang kasamaan ay hindi magliligtas sa mga alipin nito.
Isaiah 30:13kaya ang kasalanang ito ay magiging sa inyo tulad ng isang sirang bahagi na handa nang bumagsak, tulad ng isang umbok sa isang mataas na pader na kung saan ang kanyang pagbagsak ay mangyayari nang biglaan, sa isang saglit.