Ang Mangangaral 9:18
Ang karunungan ay mas mabuti kaysa sa mga sandata sa digmaan, ngunit kayang sirain ng isang makasalanan ang maraming kabutihan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Wisdom is better than weapons of war: but one sinner destroyeth much good.
In Context
Cross References
Joshua 7:5Nakapatay ng mahigit tatlumpu't-anim na kalalakihan ang mga kalalakihan ng Ai habang tinugis nila sila mula sa tarangkahan ng lungsod hanggang sa tibagang bato, at pinatay nila sila habang bumababa sila sa isang burol. At natakot ang mga puso ng mga tao at iniwan sila ng kanilang tapang.
Joshua 22:20Hindi ba si Acan anak na lalaki ni Zera, ang sumira ng pananampalataya sa kahalagahan ng mga bagay na iyon na nakalaan para sa Diyos? At hindi ba bumagsak ang poot sa buong bayan ng Israel? Hindi lamang ang lalaking iyon ang mag-isang napahamak dahil sa kaniyang kasamaan.'”
1 Samuel 14:30Ano pa kaya kung malayang kumain ang mga tao ngayon sa pandarambong mula sa kanilang mga kaaway na kanilang natagpuan? Subalit ngayon ang patayan ay hindi matindi sa mga Filisteo.”
2 Samuel 20:1Mayroon ding nangyari sa parehong lugar isang basagulero na ang pangalan ay Seba anak na lalaki ni Bicri, isang lahi ni Benjamin. Hinipan niya ang trumpeta at sinabing, “Wala kaming kinuhang bahagi kay David, ni nakuhang pamana sa anak na lalaki ni Jesse. Hayaan ang bawat lalaking bumalik sa kaniyang tahanan, sa Israel.”
Ecclesiastes 7:19Ang karunungan ay makapangyarihan sa matalinong tao, higit pa sa sampung pinuno ng isang lungsod.
Ecclesiastes 10:1Katulad ng mga patay na langaw na nagpapabaho ng pabango, ganoon din ang munting kamangmangan ay kayang mahigitan ang karunungan at karangalan.