Ecclesiastes 9:2
Ang lahat ng tao ay may parehong kapalaran. Parehong kapalaran ang naghihintay sa mga matuwid na tao at makasalanan, mabuting mga tao at masama, ang malinis at marumi, at ang nag-aalay at ang hindi nag-aalay. Tulad ng pagkamatay ng mabubuting tao, ganoon din ang makasalanan. Tulad ng pagkamatay ng nanunumpa, ganoon din ang taong takot gumawa ng panunumpa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 24:3at pasusumpain kita kay Yahweh, ang Diyos ng langit at ang Diyos ng lupa, na hindi ka kukuha ng asawa para sa aking anak na lalaki mula sa mga anak na babae ng mga Cananeo, kung saan ako nanahan.
Joshua 2:17Sinabi ng mga lalaki sa kaniya, “Wala kaming pananagutan sa mga pangakong ipinagawa mo sa aming sumpaan, kung hindi mo gagawin ito:
Job 9:22Wala itong pagkakaiba, kaya ko sinasabi na magkasama niyang sinisira ang mga taong walang kasalanan at ang mga masasamang tao.
Job 21:26Pareho silang nahihiga sa alikabok; pareho silang binabalutan ng mga uod.
Ecclesiastes 2:14Ang matalinong tao ay ginagamit ang kaniyang mga mata sa kaniyang ulo para makita ang kaniyang patutunguhan, pero ang mangmang ay naglalakad sa kadiliman, kahit na alam kong iisang kapalaran ang nakalaan sa lahat.
Ecclesiastes 6:6Kahit mabubuhay ang isang tao ng dalawang libong taon ngunit hindi matutunang matuwa sa mabuting mga bagay, mapupunta siya sa parehong lugar kagaya ng iba pa.