Mga taga-Efeso 2:4
Ngunit sagana ang Diyos sa habag dahil sa kaniyang dakilang pagmamahal kung saan minahal niya tayo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
But God, who is rich in mercy, for his great love wherewith he loved us,
In Context
Cross References
Exodus 34:6Dumaan si Yahweh sa kaniya at inihayag, “Yahweh, Yahweh, ang Diyos ay maawain at mapagbigay-loob, hindi madaling magalit, at nag-uumapaw sa katapatan ng tipan at mapagkakatiwalaan,
Deuteronomy 9:5Hindi ito dahil sa inyong pagkamatuwid o sa kabutihan ng inyong puso na makakapasok kayo para angkinin ang kanilang lupain; pero dahil sa kasamaan ng mga bansang ito kaya't papaalisin sila ng inyong Diyos palabas mula sa inyong harapan, at para magawa niyang tuparin ang salita na pinangako niya sa inyong mga ninuno, kay Abraham, Isaac, at Jacob.
Psalms 51:1Kaawaan mo ako, Diyos, dahil sa iyong katapatan sa tipan; alang-alang sa iyong mga maawaing gawa, burahin mo ang aking mga kasalanan.
Psalms 86:15Pero kayo, Panginoon, ay maawain at mabait na Diyos, matagal magalit, at sagana sa pagiging tapat at mapagkakatiwalaan sa tipan.
Psalms 145:8Mapagbigay-loob at maawain si Yahweh, hindi mabilis magalit at sagana sa katapatan sa tipan.
Jeremiah 31:3Nagpakita sa akin si Yahweh noong nakaraan at sinabi, “Minahal kita Israel, ng walang hanggang pagmamahal. Kaya inilapit kita sa aking sarili na may matapat na kasunduan.