Esther 1:4
Ipinakita niya ang yaman ng karangyaan ng kanyang kaharian at ang dangal ng kaluwalhatian ng kanyang kadakilaan nang maraming araw, sa loob ng 180 araw.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Chronicles 29:11Sa iyo, Yahweh, ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang kaluwalhatian, ang katagumpayan, at ang karangalan. Sapagkat sa iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa iyo ang kaharian, Yahweh, at ikaw ang itinataas bilang tagapamuno ng lahat.
Job 40:10Ngayon damitan mo ang iyong sarili ng kaluwalhatian at dignidad; gayakan mo ang iyong sarili ng karangalan at karangyaan.
Psalms 45:3Ilagay mo ang iyong espada sa iyong hita, ikaw na makapangyarihan, sa iyong kaluwalhatian at kamaharlikahan.
Psalms 93:1Si Yahweh ay naghahari; siya ay binabalutan ng kamaharlikahan; si Yahweh ay nakadamit ng kalakasan; sinusuot niya ito na parang isang sinturon. Ang mundo ay matatag na itinayo; hindi ito matitinag.
Psalms 145:12Kanilang ipapakilala ang makapangyarihang mga gawa ng Diyos sa sangkatauhan at ang maluwalhating kadakilaan ng kaniyang kaharian.
Ezekiel 28:5Sa pamamagitan ng iyong labis na kaalaman at sa iyong pangangakalakal, naparami mo ang iyong kayamanan, kaya ang iyong puso ay mapagmataas dahil sa iyong kayamanan!