Ester 10:3
Si Mordecai na Judio ay pangalawa sa antas kay Haring Ahasueros. Siya ay dakila sa gitna ng mga Judio at tanyag sa kanyang maraming kapatid na Judio, sapagkat hinahangad niya ang kapakanan ng kanyang lahi, at siya ay nagsalita para sa kapayapaan ng lahat ng kanyang lahi.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 41:43Pinasakay niya siya sa ikalawang karo na pag-aari niya. Sumigaw ang mga lalaki sa harapan niya, “Ibaluktot ang tuhod.” Nilagay siya ni Paraon sa itaas ng lupain ng Ehipto.
Genesis 45:11Tutustusan kita doon sapagkat mayroon pang limang mga taon na tagtuyot upang hindi ka humantong sa kahirapan, ikaw, ang iyong tahanan, at ang lahat ng nasa iyo.'
1 Samuel 23:17Sinabi niya sa kanya, “Huwag kang matakot. Dahil hindi ka mahahanap ng kamay ni Saul na aking ama. Magiging hari ka sa Israel, at ako ang susunod sa iyo. Alam din ito ni Saul na aking ama.”
Nehemiah 2:10Nang marinig ito nina Sanballat na Horonita at ni Tobias na lingkod na Ammonita, sila ay labis na nayamot na may isang taong dumating para tulungan ang bayan ng Israel.
Esther 3:2Lahat ng mga lingkod ng hari na nasa tarangkahan ng hari ay palaging lumuluhod at nagpapatirapa kay Haman tulad ng inutos ng hari na gawin nila. Ngunit si Mordecai ay hindi lumuhod ni pinatirapa ang kanyang sarili.
Daniel 5:16Narinig ko na kaya mong magbigay ng kahulugan at lumutas ng mga suliranin. Ngayon kapag nabasa mo ang nakasulat at sabihin sa akin ang kahulugan nito, dadamitan ka ng kulay ube at lalagyan ang iyong leeg ng gintong kuwintas, at ipagkakaloob sa iyo ang kapangyarihan ng ikatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian.”