Esther 2:7
Siya ang nag-aalaga kay Hadasa, iyon ay, si Esther, ang anak na babae ng kanyang tiyo, sapagkat wala na siyang ama o ina. Ang dalaga ay may magandang hugis at kaibig-ibig ang panlabas na anyo. Inaruga siya ni Mordecai na parang sariling anak.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Esther 1:11na dalahin si Reyna Vashti sa harap niya dala ang kanyang maharlikang korona. Gusto niyang ipakita sa mga tao at mga opisyal ang kanyang kagandahan, sapagkat ang mga katangian niya ay napakaganda.
Esther 8:1Sa araw na iyon ibinigay ni Haring Assuero kay Reyna Esther ang ari-arian ni Haman, na kaaway ng mga Judio. At nagsimulang maglingkod si Mordecai sa hari, dahil sinabihan ni Esther ang hari kung ano ang kaugnayan niya sa kanya.
Job 31:18(sa halip, mula sa aking pagkabata ang ulila ay lumaki kasama ko parang sa isang ama, at ginabayan ko ang kaniyang ina, isang biyuda, mula sa sinapupunan ng sarili kong ina) —
Daniel 1:6Kabilang sa mga ito ay sina Daniel, Hananaias, Misael, at Azarias, ilan sa mga tao ng Juda.
Ephesians 6:4At kayo mga ama, huwag ninyong sulsulan ang inyong mga anak sa galit. Sa halip, palakihin sila na may disiplina at katuruan ng Panginoon.