Esther 2:9
Ang dalaga ay nakapag-bigay lugod sa kanya, at nakuha niya ang pabor nito. Agad niya itong binigyan ng mga pampaganda at bahagi ng pagkain niya. Itinalaga niya sa kanya ang pitong aliping babae mula sa palasyo ng hari, at siya at mga aliping babae ay inilipat niya sa pinakamagandang lugar sa bahay ng mga kababaihan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 39:4Nakitaan si Jose ng pabor sa kanyang paningin. Pinaglingkuran niya si Potipar. Ginawa ni Potipar na tagapangasiwa si Jose ng kanyang bahay, at lahat ng nasa kanya, nilagay niya lahat sa ilalim ng kanyang pangangalaga.
1 Kings 8:50Patawarin ang iyong bayan, na nagkasala laban sa iyo, at lahat ng kanilang mga kasalanan kung saan ay sumuway laban sa iyong mga utos. Kahabagan sila sa harap ng kanilang mga kaaway na bumihag sa kanila, para ang kanilang mga kaaway ay magkaroon din ng habag sa iyong bayan.
Nehemiah 2:8Mangyaring mayroon din sanang liham para kay Asaf ang tagapag-ingat ng kagubatan ng hari, nang sa gayon ay maaaring niya akong bigyan ng troso para gawing mga biga sa mga pintuan ng tanggulang kasunod sa templo, at sa pader ng lungsod, at sa aking bahay na aking pananahanan.” Dahil ang mabuting kamay ng Diyos ay nasa akin, ipinagkaloob sa akin ng hari ang aking mga kahilingan.
Esther 2:12Nang dumating ang pagkakataon para sa bawat dalaga upang pumunta kay Haring Assuero—sa pagsunod ng mga alintuntunin para sa mga babae, ang bawat babae ay kinakailangang tapusin ang labindalawang buwan ng pagpapaganda, anim na buwan na may langis ng mira, at anim na may pabango at pampaganda —
Proverbs 16:7Kapag ang pamamaraan ng isang tao ay kalugod-lugod kay Yahweh, ginagawa niya kahit na ang mga kaaway nito ay makipagbati sa kaniya.
Acts 7:10at iniligtas siya mula sa lahat ng kaniyang mga pagdurusa, at pinagpala siya ng Diyos ng karunungan sa harap ni Faraon, na hari ng Egipto. Pagkatapos ginawa siya ng Faraon na gobernador ng Egipto at ng kaniyang buong sambahayan.