Ester 3:7
Sa unang buwan (iyon ay ang buwan ng Nisan), sa ikalabindalawang taon ni Haring Assuero, nagtapon sila ng Pur—iyon ay, nagpalabunutan sila—sa harapan ni Haman—palabunutan sa bawat araw matapos ang araw at buwan, upang pumili ng araw at buwan— hanggang mapili nila ang ikalabindalawang buwan (ang buwan ng Adar).
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Nehemiah 2:1Sa buwan ng Nisan, sa ikadalawampung taon ni Haring Artaxerxes, siya ay pumili ng alak, at kinuha ko ang alak at ibinigay ito sa hari. Ngayon ako ay hindi kailanman naging malungkot sa kaniyang harapan.
Esther 2:16Dinala si Esther kay Haring Asssuero sa maharlikang tirahan sa ika-sampung buwan, ang buwan ng Tebeth, sa ikapitong taon ng kanyang pamumuno.
Esther 9:5Sinalakay ng mga Judio ang kanilang mga kaaway gamit ang espada, pinagpapatay at pinagwawasak sila, at ginawa ang anumang naisin nila sa mga galit sa kanila.
Esther 9:21pinipilit silang tandaan ang ikalabing-apat at ikalabinlimang araw ng Adar bawat taon.
Esther 9:26Kaya tinawag nila ang mga araw na ito na Purim, sunod sa pangalan ng Pur. Dahil sa lahat ng bagay na naitala sa liham na ito at lahat ng bagay na kanilang nakita at nangyari sa kanila,
Ezekiel 21:21Sapagkat ang hari ng Babilonia ay hihinto sa krus na daan, sa sangang daan, sa pagnanais na makakuha ng isang propesiyang mensahe mula sa manghuhula. Kakalugin niya ang ilang mga palaso at hihingi ng gabay mula sa ilang mga diyus-diyosan. Susuriin niya ang isang atay!