Esther 4:3
Sa bawat lalawigan, saan man nakarating ang utos at batas ng hari, mayroong matinding pagluluksa ang mga Judio, may pag-aayuno, iyakan, at taghuyan. Marami sa kanila ang nakahiga sa telang magaspang at mga abo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 4:13Nang nakarating siya, nakaupo si Eli sa kanyang upuan na nakatingin sa daan dahil kumabog ang kanyang puso na may pag-aalala para sa kaban ng Diyos. Nang pumasok ang lalaki sa lungsod at sinabi ang balita, umiyak ang buong lungsod.
Esther 1:1Sa mga araw ni Assuero (ito ang Assuero na naghari mula India hanggang sa Ethiopia, mahigit 127 lalawigan),
Esther 4:16“Pumunta ka, tipunin mo ang lahat ng mga Judio na naninirahan sa Susa, at mag-ayuno kayo para sa akin. Huwag kayong kumain o uminom ng tatlong araw, gabi o araw. Ako at ang aking mga kabataang babae ay mag-aayuno sa parehong paraan. Pagkatapos pupunta ako sa hari, kahit na labag ito sa batas. At kung ako ay mamatay, ako ay mamamatay.”
Job 2:8Pumulot si Job ng isang piraso ng basag na palayok para kayurin ang sarili gamit nito, saka siya umupo sa ibabaw ng mga abo.
Isaiah 22:12Ang Panginoon, si Yahweh ng mga hukbo sa ay tumawag sa panahong iyon para sa pagtatangis, pananaghoy, pag-aahit ng buhok sa ulo, at pagsusuot ng sako.
Isaiah 58:5Ito ba talaga ang uri ng pag-aayuno na ninanais ko: Isang araw para sinuman ang magpakumbaba, para iyuko niya ang kaniyang ulo tulad ng isang tambo, at para ilatag ang magaspang na tela at mga abo sa ilalim niya? Ito ba talaga ang tinatawag mong isang pag-aayuno, isang araw na nakalulugod kay Yahweh?