Esther 6:13
Sinabi ni Haman kay Zeres na kanyang asawa at sa lahat niyang mga kaibigan ang lahat ng bagay na nangyari sa kanya. Pagkatapos sinabi sa kanya ng kanyang mga kalalakihang kilala sa kanilang karunungan, at Zeres na kanyang asawa, “Kapag si Mordecai, ang tao na siyang nagsimula kang bumagsak, ay Judio, hindi mo siya matatalo, ngunit ikaw ay tiyak na babagsak sa harap niya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 41:8Kinaumagahan ay nabagabag ang kaniyang espiritu. Pinapunta niya at pinatawag ang lahat ng mga salamangkero at mga pantas ng Ehipto. Sinabi sa kanila ni Paraon ng kaniyang mga panaginip, pero walang ni isa ang makapagpaliwanag ng mga iyon kay Paraon.
Deuteronomy 32:10Siya ay natagpuan niya sa isang disyertong lupain, at sa tigang at humahagulhol na ilang; ipinagtanggol at inalagaan niya, siya ay binantayan niya na tulad ng pag-iingat sa mata.
Esther 5:10Gayunman, nagtimpi si Haman sa kanyang sarili at umuwi sa kanyang sariling bahay. Pinatawag niya ang kanyang mga kaibigan at tinipon sila, kasama si Zeresh na kanyang asawa.
Job 16:2“Narinig ko ang maraming ganoong mga bagay; kayong lahat ay nakakainis na mga tagapag-aliw.
Proverbs 28:18Ang sinumang maglalakad ng may katapatan ay pinapanatiling ligtas, pero ang isa na ang paraan ay baluktot ay biglang babagsak.
Daniel 5:26Ito ang kahulugan nito: MENE, ''Binilang' ng Diyos ang iyong kaharian at ito ay kaniyang winakasan.