Ester 7:9
Pagkatapos si Harbona, isa sa mga opisyal na naglilingkod sa hari, ay nagsabing, “Isang bitayang limampung kubit ang taas ang nakatayo sa tabi ng bahay ni Haman. Itinayo niya ito para kay Mordecai, ang nagsalita upang mapangalagaan ang hari.” Sinabi ng hari, “Bitayin siya roon.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 17:51Pagkatapos tumakbo si David at tumayo sa ibabaw ng Palestina at kinuha ang kanyang espada, binunot sa lagayan ng kaniyang espada, pinatay siya, at pinugot ang kanyang ulo gamit ito. Nang makita ng mga Filisteo na patay na ang kanilang malakas na lalaki, tumakas sila.
Esther 1:10Sa ika-pitong araw, nang ang puso ng hari ay nasisiyahan dahil sa alak, sinabihan niya sina Memuhan, Biztha, Harbona, Bigtha, Abagtha, Zethar at Carcas (ang pitong opisyal na naglilingkod sa harap niya),
Esther 5:14Kaya sinabi ni Zeresh kay Haman na kanyang asawa at sa lahat ng kanyang kaibigan, “Hayaan mo silang gumawa ng bitayang may taas na limampung kubit. Sa umaga makipag-usap ka sa hari na ibitay nila roon si Mordecai. Pagkatapos pumunta kang masaya kasama ng hari sa handaan. Naging kasiya-siya ito kay Haman, at nagpagawa siya ng bitayan.
Esther 6:14Habang nakikipag-usap sila sa kanya, dumating ang mga opisyal ng hari. Nagmadaling dinala si Haman sa handaang inihanda ni Esther.
Esther 9:14Kaya iniutos ng hari na ito ay gawin. Isang kautusan ang pinalabas sa Susa at binitay nila ang sampung anak na lalaki ni Haman.
Job 27:20Inaabutan siya ng mga malalaking takot tulad ng tubig sa baha; tinatangay siya ng isang bagyo sa gabi.