Esther 8:3
Pagkatapos nakipag-usap muli si Esther sa hari. Iniyuko niya ang kanyang mukha sa lupa at umiyak habang nagmamakaawa sa kanya na tapusin na ang masamang balak ni Haman na Agageo, ang pakanang binuo niya laban sa mga Judio.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
4Pagkatapos itinuro ng hari ang gintong setro kay Esther; bumangon at tumayo siya sa harap ng hari.
Cross References
2 Kings 4:27Nang pumunta siya sa lingkod ng Diyos sa bundok, hinawakan niya ang paa ng lingkod ng Diyos. Lumapit si Gehazi para ilayo siya pero sinabi ng lingkod ng Diyos, “Pabayaan mo siya, dahil siya ay malungkot, at tinago ni Yahweh ang problema sa akin, at walang siyang sinabi sa akin.”
Esther 7:4Dahil kami ay ipinagbili, ako at ang aking lahi, upang wasakin, patayin, at lipulin. Kung kami ay ipinagbili lamang sa pagkaalipin, bilang lalaki at babaing alipin, tatahimik na lang sana ako, sapagkat walang kapighatiang tulad nito na magbigay-katarungan para gagambalain ang hari.”
Hosea 12:4Nakipagbuno siya sa Anghel at nanalo. Umiyak siya at humingi ng awa. Nakatagpo niya ang Diyos sa Bethel; at doon nakipag-usap sa kaniya ang Diyos.