Exodus 1:21
Dahil may takot ang mga komadrona sa Diyos, binigyan sila ng kanilang sariling pamilya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And it came to pass, because the midwives feared God, that he made them houses.
In Context
20Pinangalagaan ng Diyos ang mga komadrona. Ang mga tao ay dumarami ang bilang at naging napakalakas.
Cross References
1 Samuel 25:28Pakiusap patawarin ang pagkakasala ng iyong lingkod, dahil tiyak na gagawan ni Yahweh ang aking panginoon ng isang bahay, dahil nakikipaglaban ang aking panginoon sa labanan ni Yahweh, at hindi makikita ang kasamaan sa iyo habang nabubuhay ka.
2 Samuel 7:27Para sa iyo, Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ibinunyag mo sa iyong lingkod na gagawan mo siya ng isang tahanan. Kaya nga ako, na iyong lingkod, nakatagpo ng lakas ng loob para manalangin sa iyo.
1 Kings 11:38Kung pakikinggan mo ang lahat na aking ipag-uutos sa iyo, at kung lalakad ka sa aking mga landas, at kung gagawin mo kung ano ang mabuti sa aking paningin, para ingatan ang mga tuntunin at mga kautusan, gaya ng ginawa ng aking lingkod na si David, sa gayon ay sasamahan kita at ipagtatayo kita ng totoong tahanan, gaya ng itinayo ko para kay David, at ang Israel ay ibibigay ko sa iyo.
Psalms 112:1Purihin si Yahweh. Mapalad ang tao na sumusunod kay Yahweh, na siyang labis na nagagalak sa kaniyang mga kautusan.
Psalms 127:3Masdan mo, ang mga bata ay isang pamana mula kay Yahweh at ang bunga ng sinapupunan ay isang gantimpala mula sa kaniya.
Ecclesiastes 8:12Kahit isang daang ulit gumagawa ng masama ang isang makasalanan at nabubuhay pa rin sa mahabang panahon, gayon man alam ko na magiging mabuti sa mga gumagalang sa Diyos, siyang pinararangalan ang kaniyang presensiya sa kanila.