Exodus 10:2
Ginawa ko rin ito para maikuwento mo sa iyong mga anak at mga apo ang mga bagay na ginawa ko, kung paano ko pinagmalupitan ang Ehipto, at kung paano ko binigay ang iba't-ibang mga palatandaan ng aking kapangyarihan sa kanila. Sa ganitong paraan malalaman mo na ako si Yahweh.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 7:17Sinasabi ito ni Yahweh: “Sa pamamagitan nito ay makikilala mong ako si Yahweh. Hahampasin ko ang tubig ng Ilog Nilo ng tungkod na nasa kamay ko, at ang tubig ay magiging dugo.
Exodus 12:26Kapag nagtanong ang inyong mga anak, 'Ano ang ibig sabihin ng kilos na pag-sambang ito?'
Exodus 13:14Sa darating na panahon, kapag nagtanong ang iyong anak na lalaki, “Ano ang ibig sabihin nito?' pagkatapos sabihin mo sa kaniya, 'Nakalabas tayo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng lakas ng kamay ni Yahweh, mula sa bahay ng pagkaalipin.
Exodus 14:18Pagkatapos malalaman ng mga taga-Ehipto na ako ay si Yahweh at makakakuha ako ng karangalan nang dahil kay Paraon, sa kaniyang mga karwahe at sa kaniyang mga nangangabayo.”
Deuteronomy 6:20Kung tatanungin kayo ng inyong mga anak pagdating ng panahon, sa pagsasabing, 'Anong ibig sabihin sa mga bagay na ito—ang tipan ng mga kautusan, ang mga batas, at ang ibang mga kautusan na iniutos ni Yahweh na ating Diyos?'
Psalms 44:1Narinig ng aming mga tainga, O Diyos, ang sinabi ng aming mga ninuno sa amin tungkol sa ginawa mo sa kanilang mga araw, noong unang panahon.