Exodo 10:22
Iniunat ni Moises ang kaniyang kamay patungo sa kalangitan at nagkaroon ng makapal na kadiliman sa buong lupain ng Ehipto sa loob ng tatlong araw.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 20:21Kaya ang mga tao ay tumayo sa malayo at lumapit si Moises tungo sa makapal na kadiliman kung saan naroon ang Diyos.
Deuteronomy 5:22Sinabi ni Yahweh ang mga salitang ito sa isang napakalakas na boses sa buong kapulungan ninyo sa ibabaw ng bundok mula sa gitna ng apoy, ng ulap, at sa makapal na kadiliman; hindi na siya dumagdag ng anumang mga salita. At sinulat niya sa dalawang tipak na bato at ibinigay ang mga ito sa akin.
Psalms 105:28Nagpadala siya ng kadiliman at pinadilim ang lupain, pero hindi sumunod sa kaniyang mga utos ang mga tao rito.
Ezekiel 32:7At kapag patayin ko ang iyong ilawan, tatakpan ko ang kalangitan at padidilimin ko ang mga bituin nito. Tatakpan ko ang araw sa pamamagitan ng mga ulap, at hindi magliliwanag ang buwan!
Joel 2:2Ito ay araw ng kadiliman at kapanglawan, araw ng mga ulap at makapal na kadiliman. Katulad ng bukang liwayway na lumalaganap sa mga bundok, paparating ang napakarami at malakas na hukbo. Hindi pa nagkaroon ng hukbong ganito at hindi na muling magkakaroon ng katulad nito, lumipas man ang maraming henerasyon.
Amos 4:13Kaya, tingnan ninyo, ang bumuo sa mga bundok pati na rin ang lumikha ng hangin, nagpahayag ng kaniyang kaisipan sa sangkatauhan, ang nagpapadilim ng umaga, at tumutungtong sa mga matataas na lugar sa Lupa.” Ang kaniyang pangalan ay Yahweh, Diyos ng mga hukbo.