Exodo 11:10
Ginawa lahat nina Moises at Aaron ang mga kababalaghan sa harapan ni Paraon. Pero pinatigas ni Yahweh ang puso ni Paraon, at hindi pinayagan ni Paraon na makaalis ang mga Israelita sa kaniyang lupain.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 4:21Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kung babalik ka sa Ehipto, siguraduhin mong gawin sa harapan ni Paraon ang lahat ng mga kababalaghan na inilagay ko sa iyong kapangyarihan. Pero patitigasin ko ang kaniyang puso, at hindi niya paaalisin ang mga tao.
Exodus 10:20Pero pinatigas ni Yahweh ang puso ni Paraon, at hindi pinaalis ni Paraon ang mga Israelita.
Deuteronomy 2:30Pero si Sihon, ang hari ng Hesbon, ay hindi kami hinayaang makalagpas sa kaniya; dahil si Yahweh na inyong Diyos ay pinatigas ang kaniyang isipan at ginawang matigas ang kaniyang puso, na maaari niyang matalo sila sa pamamagitan ng inyong lakas, na ginawa niya sa araw na ito.
Job 9:4Ang Diyos ay marunong sa puso at makapangyarihan sa lakas; Sino ang nagmatigas laban sa kaniya ang nagtagumpay kailanman? —
Romans 9:22Paano kung ang Diyos, na nagnanais ipakita ang kaniyang galit at ipahayag ang kaniyang kapangyarihan, ay nagtiyaga ng may labis na pagtitiis sa mga sisidlan ng galit na naihanda para sa pagkawasak?